Isang mananaya ang nanalo ng halos P98 milyon sa Superlotto 6/49 draw ngayong Huwebes, June 26, 2025, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office.
Ayon sa PCSO, ang lumabas na winning numbers ay 25-08-05-27-18-16 na may kabuuang premyo na P97,897,380.40.
Samantala, wala namang nanalo sa kasabay nitong draw na Lotto 6/42, na ang lumabas na mga numero ay 25-02-23-18-05-24 na may premyong P9,056,625.
Para sa mga resulta ng lotto, bisitahin ang link. —FRJ, GMA Integrated News

