Tinanggal ni Pangulong Ferdinand ''Bongbong'' Marcos Jr. si Bienvenido Rubio bilang commissioner ng Bureau of Customs (BoC).
Nitong Lunes, pinanumpa ni Marcos si Ariel Nepomuceno bilang bagong pinuno ng BoC, kapalit ni Rubio.
Walang ibinigay na dahilan ang Palasyo kung bakit inalis si Rubio.
Ayon sa Presidential Communications Office, kabilang sa utos ni Marcos sa BOC na pangalagaan ang borders ng bansa, at tiyakin ang transparency at efficiency sa koleksyon ng ahensiya.
Bago naging pinuno ng BoC, dating nagsilbi si Nepomuceno na executive director ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, at administrator ng Office of Civil Defense.
Gayunman, dati na siyang nagsilbi sa BOC, kabilang ang posisyon bilang assistant commissioner ng Post Clearance Audit Group mula December 2017 hanggang April 2018, at deputy commissioner ng Enforcement Group mula December 2013 hanggang February 2017. — mula sa ulat ni Anna Felicia Bajo/FRJ, GMA Integrated News

