Isang lalaki ang patay matapos siyang pagbabarilin ng riding-in-tandem habang nakikipag-inuman sa Barangay Pio Del Pilar, Makati City. Ang dalawa pa niyang kasamahan, sugatan.

Sa ulat ng Balitanghali nitong Huwebes, nasa inuman ang mga biktima nang dumating ang mga salarin sakay ng motorsiklo.

Dinala sa ospital ang dalawang kasama na nagtamo ng mga sugat at kasalukuyang nagpapagaling.

Patuloy ang pag-iimbestiga sa motibo ng krimen at paghahanap sa mga suspek. — Jamil Santos/ VDV, GMA Integrated News