Isang electrician ang nasawi matapos pagbabarilin habang naglalakad sa Barangay Western Bicutan sa Taguig nitong Linggo ng gabi.

Sa ulat ni Bam Alegre sa GMA News Unang Balita nitong Lunes, sinabi ng pulisya na nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo, kamay at balikat, at kaagad na nasawi ang 42-anyos na biktima.

Idinagdag ng pulisya na nakita umano ang biktima na naglalakad nang lapitan ng salarin at basta na lang pinagbabaril.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng salarin at motibo sa krimen. – FRJ, GMA Integrated News