Halos umabot na sa P300 milyon ang jackpot prize sa Ultra Lotto 6/58 pero walang tumama sa ginanap na draw nitong Linggo, July 3, 2025.
Ang lumabas na kombinasyon ng mga numero sa naturang draw ay 45-46-17-44-37-12, na may kabuuang premyo na P297,664,986.40.
Wala ring pinalad na manalo sa kasabay nitong draw na Superlotto 6/49.
Ang winning combination ay 29-43-37-10-25-26 na may kabuuang premyo na P56,233,268.80.
Para sa iba oang lotto results, i-click ang link na ito. — FRJ GMA Integrated News

