Bangkay na nang matagpuan ang isang bagong silang na sanggol na palutang-lutang sa isang irrigation canal sa Malolos, Bulacan.
Sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles, sinabing gumamit ng lambat ang mga tauhan ng SOCO upang iahon ang bangkay ng sanggol mula sa patubig.
Sinabi ng kagawad ngBarangay Ligas na namataan ng isang residente ang sanggol na nagpapalutang malapit sa kanilang bahay.
Kasalukuyang inaalam ng mga awtoridad kung sino ang nagtapon sa sanggol, na nasa punerarya na ngayon. —Jamil Santos/ VAL GMA Integrated News
