Autonomous mobile robotics, 3D digital game art, hairdressing, at restaurant services: ilan lamang ito sa 32 specific skills kung saan nagtagisan ang mahigit 300 competitors mula sa ASEAN member countries, sa WorldSkills ASEAN Manila 2025 sa Pasay City!

Ito ang pinakamalaking technical vocational skills excellence event sa ASEAN region.

Ayon sa TESDA, layon ng WorldSkills na i-promote at i-upgrade ang skills standard sa ASEAN region sa international level upang hikayatin ang mga kabataan na i-develop ang kanilang skills para maabot ang international standards.

Ayon kay TESDA Deputy Director General Nelly Nita Dillera, “We’re really capacitating 'yung ating mga learners to make them competitive and get employed not only in the Philippines but anywhere in the world kasi industry standard siya.” 

Mula sa technical mastery, creativity at teamwork, ipinamalas ng mga competitors ang kanilang talento, kaalaman at husay sa anim na larangan ng kasanayan:

  • information and communication technology
  • construction and building technology
  • creative arts and fashion
  • manufacturing and engineering technology
  • social and personal services
  • transportation and logistics

Lumahok din sa unang pagkakataon ang Timor-Leste, ang 11th ASEAN member “in principle.” 

Ayon sa TESDA, ang pagho-host ng ating bansa sa WorldSkills ASEAN competition ay makakatulong para mapalakas ang tech-voc system ng bansa, ma-enhance ang global competitiveness, at maitampok ang ating skilled workforce. 

“'Yun yung ina-address natin na sana yung skills mismatch mababawasan because the equipment and the tools that they’re already using are based on industry standards,” ani Dillera. 

Dahil sa kumpetisyon, marami raw babauning kaalaman ang competitors na gagamitin nila pagkatapos ng kumpetisyon. 

Ayon sa Philippine competitor na si Gian Kylle Decillo na lumaban sa Automobile Technology, “Pagsunod sa standards kasi may mga parts dito, may mga times na kailangang procedure di namin nagagawa sa industry…”

Para naman kay Davidson De Vera na lumaban sa hairdressing competition, “Sa pagsali po na-build yung confidence ko tsaka nawala yung hiya at kaba ko, syempre nagpe-perform po ako sa maraming tao tsaka napapakita ko ang skills ko sa buong mundo hindi lang po dito.” 

May mga nais pang mag improve sa kanilang skills matapos ang kompetisyon.

Enjoy naman ang competitor mula Singapore na nakausap namin, sa warm hospitality ng mga Pinoy. 

Sa Sabado gaganapin ang awarding ceremony para sa mga nanalong competitors na tatanggap ng medalya. — BM GMA Integrated News