Nabigong umusad sa susunod na round si Alex Eala matapos matalo sa Indonesian na si Janice Tjen, sa iskor na 6-4, 6-1, sa quarterfinals ng SP Open sa São Paulo, Brazil, Sabado ng madaling araw (oras sa Pilipinas).

Sa naturang pagkatalo, natapos ang pitong sunod na panalo ni Eala, na nagsimula nang makuha niya ang kampeonato sa Guadalajara 125 Open sa Mexico.

Naging dikit ang simula ng laban nila ni Tjen hanggang sa makagawa ng mga error si Eala at hindi naisalin sa puntos ang mga break points upang makuha ng pambato ng Indonesia ang momentum ng laro.

Sa ikalawang set, dominado ni Tjen ang baseline at naging agresibo sa pagsagot sa mga palo ng Pinay ace player. Bumaba rin ang first-serve percentage ni Eala na naging daan upag mabilis na makuha ni Tjen ang ikalawang set.

 

 

FRJ GMA Integrated News