Viral ang isang lalaking estudyante na nakasuot ng palda matapos niyang ipahiram ang kaniyang pantalon sa kaniyang kaklaseng babae na kailangan ang pantalon sa kanilang thesis defense sa Calaca, Batangas.
Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Biyernes, sinabi ng uploader na si Jane Gabrielle Baldivia na thesis defense noon ng grupo ng kanilang babaeng kaklase na si Roselyn de Belen.
Walang dalang extra na damit si Roselyn, ipinahiram ng kaklase nilang si Rafael ang pantalon nito kay Roselyn.
Ayon kay Jane, dalawang taon na silang magkaklase kaya sobrang close at kumportable na sila sa isa't isa.
Meron nang mahigit 1million views at pinusuan ng mahigit 100,000 netizens ang kanilang aliw na video na nagpapakita ng matibay na samahan ng pagiging magkaklase at magkaibigan. – Jamil Santos/FRJ GMA Integrated News
