Tila dinaig pa ang dami ng mga gulay na binanggit sa kantang “Bahay Kubo” sa ipinagmamalaking putahe ng mga Waray na Lawot-lawot, na mayroon lang namang sangkap na 21 uri ng gulay. Alamin kung anu-ano ang mga ito.
Sa nakaraang episode ng Biyahe ni Drew, sinabing sa tabo-tabo o tabuan ang bagsakan ng mga ani ng gulay na nagmula sa iba't ibang bayan sa Leyte.
Kaya naman kadalasan dito makikita ang iba't ibang gulay na puwedeng isangkap sa lawot-lawot.
“We have here 'yung mga duma namin. Root crops. Usually, ito 'yung mga substitute namin for rice. We have different dried fish here in Leyte. Ito 'yung one of the specialty… budo,” sabi ni Mark Sibayan, isang food documentarist.
Samantala, ang Harong naman ang nagbibigay ng tila lila na kulay sa putahe, at marami pang nutrients.
“Our food heritage is somehow simple, but it depicts the simple way of our lives here in Leyte. We have a lot of variety of heritage cuisine. We have here the package,” sabi ni Sibayan.
Kabilang sa sangkap ng Lawot-lawot ang hagnaya at talong, sigarilyas at harum. Mayroong ding kulitis, sangig, hantak, sida-sida, ahos, at kalabasa.
Nasa lawot-lawot din ang sitaw, okra, patola, at sayote, saka lalagyan ng gata, tanglad at puso ang saging.
Tunghayan sa video na ito ng Biyahe ni Drew kung papaano niluluto at ano ang mga gulay na dapat unang isalang para sa isang masarap at healthy na lawot-lawot. Panoorin. – FRJ GMA Integrated News
