Itinaas ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang Signal No. 3 sa Batanes, Babuyan Islands, at Santa Ana sa Cagayan, kasunod ng bahagyang paglakas ni Super Bagyong Nando habang papalapit sa dulong hilagang bahagi ng Luzon.

Sa tropical cyclone bulletin ng PAGASA na inilabas ang 8:00 ng gabi nitong Linggo, tinatayang nasa layong 410 kilometro silangan ng Aparri, Cagayan ang mata ng bagyo, base sa mga datos.

Taglay nito ang pinakamalakas na hangin na umaabot sa 195 kph malapit sa gitna, at pagbugso ng hangin na hanggang 240 kph, at may central pressure na 920 hPa.

Inaasahang makararanas ang mga lugar na nasa ilalim ng Signal No. 3 ng hangin na mula 89 kph hanggang 117 kph at may katamtaman hanggang sa matinding banta sa buhay.

Nakataas naman ang Signal No. 2:

  •  Mainland Cagayan,
  • northern at eastern portions ng Isabela (San Mariano, Ilagan City, Tumauini, Cabagan, Palanan, Divilacan, Maconacon, San Pablo, Santa Maria, Santo Tomas, Delfin Albano, Quezon, Quirino, Mallig, Roxas, Gamu, Burgos),
  • Apayao,
  • Abra,
  • Kalinga,
  • eastern ng Mountain Province (Paracelis, Natonin, Barlig, Sadanga), Ilocos Norte
  • northern portion ng Ilocos Sur (Cabugao, Sinait, San Juan, Magsingal, Santo Domingo, Bantay, San Ildefonso, San Vicente, Santa Catalina, City of Vigan, Caoayan, Santa, Nagbukel, Narvacan, Santa Maria, San Emilio, Burgos, Santiago, San Esteban, Lidlidda, Banayoyo).

Habang Signal No. 1 naman sa

  • The rest of Isabela,
  • Quirino,
  • Nueva Vizcaya,
  • the rest of Mountain Province,
  • Ifugao,
  • Benguet,
  • the rest of Ilocos Sur,
  • La Union,
  • Pangasinan,
  • the northern and central portions of Zambales ( Santa Cruz, Candelaria, Masinloc, Iba, Palauig, Cabangan, Botolan),
  • Nueva Ecija,
  • Tarlac,
  • Aurora,
  • the northern portion of Pampanga ( Mabalacat City, Magalang, Arayat, Candaba, Angeles City, Porac, Mexico, Santa Ana, San Luis, City of San Fernando, Bacolor), the northern portion of Bulacan ( Doña Remedios Trinidad, San Ildefonso, San Miguel, San Rafael), and
  • the northern portion of Quezon ( General Nakar) including Polillo Islands.

 

FRJ GMA Integrated News