Kabilang si Maxene Magalona at partner niyang si Geoff Gonzalez, sa mga stranded sa Dubai sa harap ng nagaganap na kaguluhan sa Middle East, bunsod ng pag-atake ng Amerika at Israel laban sa Iran.

Sa Instagram, ibinahagi ni Max na halos isang linggo na silang nasa Dubai. Sa kabila nito, “feeling so safe and peaceful” naman sila sa kabila ng mga nangyayayari.

“As of today, Dubai is navigating a period of high alert and significant disruption following a series of missile and drone attacks launched by Iran across the region,” saad niya.

“The government of the UAE truly has the best defense system as it was able to intercept more than a hundred missile and drone attacks,” patuloy ni Maxene.

Binalikan din niya ang panahong na-stranded siya sa Bali noong 2020 sa pagsisimula ng pandemya, kung saan nakaramdam siya ng matinding takot at stress dahil literal na mag-isa lang siya.

“Now, I feel so blessed to be here with [Geoff], who takes such good care of me and protects my peace at all costs,” sabi ni Maxene.

Pinasalamatan din niya ang kaniyang pamilya at mga kaibigan na inaalam ang kaniyang kalagayan sa pamamagitan ng mga mensahe.

“We see and appreciate you,” sabi ni Max. “These difficult times show you the ones who truly care about you, and for each and every one of you, we are so grateful.”

Lalong tumindi ang tensyon sa Gulf region nitong weekend matapos ang mga airstrike na isinagawa ng Estados Unidos at Israel laban sa Iran.

Ang Iran, nagpakawala rin ng mga missiles sa Israel, at sa mga bansa sa rehiyon na mayroong base militar ang Amerika.

Ngayong Martes, inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na mahigit 1,000 Pinoy na sa Middle East ang nais magpa-repatriate. Gayunman, magiging hamon umano sa ngayon ang paglilikas ng mga Pinoy dahil karamihan sa mga airport ay hindi fully operational.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, tinatayang 2.5 million ang mga Pinoy na nagtatrabaho at naninirahan sa Middle East, na karamihan ay nasa United Arab Emirates, Saudi Arabia, at Qatar. —Hermes Joy Tunac/FRJ GMA Integrated News