Nasolo ng isang mananaya ang P223.580 milyong Grand Lotto 6/55 jackpot nitong Lunes, October 6, 2025.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ang lumabas na kombinasyon ng mga numero ay 21-27-51-19-14-53, na may kabuuang premyo na P223,580,197.60.
Samantala, wala namang nanalo sa kasabay nitong draw na Megalotto 6/45 na ang winning combination ay 45-26-18-38-17-40, at may premyong P9,713,362.40.
I-click ang link para sa iba pang lotto results. —FRJ GMA Integrated News

