Isang tao ang kompirmadong nasawi sa magnitude 7.4 na lindol na yumanig sa Manay, Davao Oriental, at naramdaman sa iba pang bahagi ng Mindanao at Visayas nitong Biyernes ng umaga. Nangyari ito isang araw matapos ang magnitude 4.4 earthquake sa Pugo, La Union sa Luzon nitong Huwebes, at magnitude 6.9 earthquake naman sa Bogo City, Cebu noong isang linggo sa Visayas.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), may lalim na 20 kilometro ang lindol na naganap dakong 09:43 a.m.

Naunang iniulat ng PHIVOLCS na magnitude 7.6 ang lindol bago ito ibinaba sa 7.4 bago mag-11 a.m.

Inasahan ang pinsala at aftershocks, ayon sa PHIVOLCS.

Iniulat ang mga intensity ng lindol sa mga sumusunod na lugar:

Intensity V - Compostela, Maco, Mawab, Monkayo, Montevista, Nabunturan, and Pantukan, Davao De Oro; Asuncion, Braulio E. Dujali, Carmen, New Corella, City of Panabo, Island Garden City of Samal, Santo Tomas, and City of Tagum, Davao Del Norte; City of Davao; Jose Abad Santos, Davao Occidental; Cateel, and City Of Mati, Davao Oriental; City of Kidapawan, Cotabato; Alabel, Glan, and Malungon, Sarangani; City of Koronadal, Tampakan, and Tupi, South Cotabato; City of General Santos; City of Butuan; Claver, Gigaquit, at Mainit, Surigao Del Norte

Intensity IV - City of Tacloban; Don Carlos, and San Fernando, Bukidnon; Bansalan, City of Digos, Hagonoy, Kiblawan, Magsaysay, Malalag, Padada, Santa Cruz, and Sulop, Davao Del Sur; Don Marcelino, and Santa Maria, Davao Occidental; Antipas, Banisilan, Kabacan, Magpet, Pigkawayan, President Roxas, And Tulunan, Cotabato; Kiamba, Maitum, and Malapatan, Sarangani; Banga, Polomolok, and Tantangan, South Cotabato; General Luna, Malimono, Placer, and City of Surigao, Surigao Del Norte; City of Cotabato

Intensity III - City of Iloilo; Arteche, Balangiga, City of Borongan, Can-Avid, Giporlos, Guiuan, Hernani, Lawaan, Llorente, Mercedes, Salcedo, San Julian, San Policarpo, and Sulat, Eastern Samar; Abuyog, Alangalang, Albuera, Babatngon, City of Baybay, Burauen, Calubian, Capoocan, Carigara, Dagami, Dulag, Hilongos, Isabel, Jaro, Javier, Kananga, Leyte, Macarthur, Mahaplag, Matag-Ob, Mayorga, Merida, Palo, Palompon, Pastrana, San Isidro, Santa Fe, Tanauan, Tolosa, Tunga, and Villaba, Leyte; Ormoc City; Bobon, Mapanas, and Palapag, Northern Samar; Basey, City of Catbalogan, Gandara, Marabut, San Jorge, And Villareal, Samar; Anahawan, Bontoc, Hinunangan, Hinundayan, Libagon, Liloan, Limasawa, City of Maasin, Macrohon, Malitbog, Padre Burgos, Pintuyan, Saint Bernard, San Francisco, San Juan, San Ricardo, Silago, Sogod, and Tomas Oppus, Southern Leyte; City of Malaybalay, and Manolo Fortich, Bukidnon; City of Iligan; City of Cagayan De Oro; Sarangani, Davao Occidental; Matalam, and Pikit, Cotabato; Maasim, Sarangani; Norala, Santo Niño, Surallah, and T'boli, South Cotabato; Bagumbayan, Kalamansig, Lebak, at City of Tacurong, Sultan Kudarat

Intensity II - Casiguran, and Juban, Sorsogon; City of Dumaguete, and Sibulan, Negros Oriental; Culaba, Biliran; Dimataling, Zamboanga Del Sur; City of Zamboanga; City of Tangub, Misamis Occidental; Aleosan, Cotabato; Lake Sebu, South Cotabato

Ang naiulat na intensity ang sukat ng lakas ng isang lindol batay sa nararamdaman ng mga tao, gayundin ang mga epekto sa mga istruktura at kapaligiran.

Inuulat at bineberipika ng mga tauhan ng PHIVOLCS sa ground at concerned citizens ang intensity ng lindol sa bawat lugar.

1 nasawi

Isa ang napaulat na namatay matapos yumanig ang lindol, ayon kay Davao Oriental Governor Nelson Dayanghirang.

Sa kaniyang panayam sa Balitanghali, sinabi ni Dayanghirang na mula sa Mati City ang biktima.

“Meron na kaming confirmed dito sa City of Mati, isang casualty. Nabagsakan siya ng part ng bahay,” sabi ng gobernador.

Inihayagi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kumikilos na ang gobyerno para matiyak ang kaligtasan ng lahat ng apektado.

“We are now assessing the situation on the ground and ensuring that everyone is safe,” sabi niya.

“We are working round the clock to ensure that help reaches everyone who needs it. Let us continue to look out for one another and pray for the safety of all our countrymen,” dagdag niya.

Tsunami warning

Kasunod ng lindol, nagbabala ang PHIVOLCS, at pinayuhan ang mga nakatira sa mga baybaying-dagat na magtungo sa mas matataas na lugar  dahil posibilidad ng tsunami.

Ang mga lugar na inabisuhan ay ang:

  • Eastern Samar
  • Dinagat Islands
  • Davao Oriental
  • Southern Leyte
  • Surigao Del Norte
  • Leyte
  • Surigao Del Sur

“Based on the local tsunami scenario database, it is expected to experience wave heights of more than one meter above the normal tides and may be higher on enclosed bays and straits,” dagdag ng ahensiya.

“It is forecasted that the first tsunami waves will arrive between 09:43:54 to 11:43:54, 10 Oct 2025 (PST). These waves may continue for hours,” ayon pa sa PHIVOLCS.

Sa kabutihang-palad, walang tsunami na nalikha ang lindol at inalis na ang babala paglampas ng tanghali.

Ipinag-utos ng mga lokal na pamahalaan sa Davao Region ang agarang suspensiyon ng mga klase at trabaho ng gobyerno matapos ang malakas na lindol.

“In view of the recent earthquake and to give way to the conduct of rapid damage assessment of infrastructures and facilities, classes in all levels, public and private educational institutions, in Davao City are hereby suspended immediately,” sabi ng Davao City government sa isang advisory.

Sa karatig na Davao Oriental, sinuspinde rin ng bayan ng Governor Generoso ang mga klase at trabaho sa gobyerno alinsunod sa Executive Order No. 38 na nilagdaan ni Mayor Juanito C. Inojales.

“Classes at all levels and work in national and local government offices within the Municipality of Governor Generoso are suspended today, Friday, 10 October 2025, due to the 7.6-magnitude earthquake,” saad sa order.

Inihayag din ni Davao De Oro Governor Raul Mabanglo ang suspendido ang pasok sa trabaho at klase maliban sa mga frontline office.

Niyanig ng lindol ang Davao Oriental habang bumabawi pa ang Pilipinas mula sa magnitude 6.9 na lindol na yumanig naman sa Bogo City, Cebu noong Setyembre 30, 2025.

Sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDDRMC) na 74 katao ang namatay sa nakaraang lindol habang 559 ang nasugatan.

Naapektuhan din ng lindol sa Cebu ang 666,439 katao o 189,620 pamilya sa Central Visayas. Sa apektadong populasyon, 7,813 indibidwal ang nawalan ng tirahan.

Nitong Huwebes, isang magnitude 4.4 earthquake ang yumanig sa Pugo, La Union, naramdaman din at nagdulot ng takot sa mga mag-aaral sa Baguio City.

Wala namang iniulat na matinding pinsala at nasaktan sa naturang insidente bagaman may mga dinala sa ospital dahil sa takot. – FRJ GMA Integrated News