Hinuli sa Quezon City ang isang lalaki na dawit umano sa pagnanakaw at pag-chop-chop sa mga bahagi ng isang van na ipinahatid sa Mindanao.
Sa ulat ng GMA News Unang Balita nitong Huwebes, inilahad ng pulisya na inutusan ng may-ari ang driver o katiwala na ihatid ang van mula sa Antipolo patungong sa Sarangani sa Mindanao noong Mayo.
Gayunman, hindi nakarating ang van sa Sarangani, hanggang sa nabalitaan na lamang ng biktima na nasa General Santos City na ang sasakyan, at kinuha na ang mga piyesa at wasak na.
Itinanggi naman ng suspek ang akusasyon, at idinepensa na hindi siya ang nagmaneho ng van.
Nakabilanggo na sa Antipolo ang suspek na mahaharap sa kasong carnapping.
Sinabi ng mga awtoridad na may kasama isa pang kasama ang suspek na nagtatago sa Mindanao.—Jamil Santos/FRJ GMA Integrated News
