Nagtamo ng mga sugat ang isang 22-anyos na lalaki matapos siyang saksakin ng isa pang lalaki na ipinaghiganti ang binugbog nitong kapatid sa isang bar sa Bacolod City.

Sa ulat ng GMA Regional TV sa Balitanghali nitong Miyerkoles, mapanonood na nakahandusay ang biktima habang pinalilibutan ng kaniyang mga kaibigan at iba pang tao.

Nadakip ang suspek na umamin sa krimen.

Ayon sa kaniya, nagsumbong ang kaniyang nakatatandang kapatid na nabugbog umano ito sa inuman kung sangkot umano ang biktima.

Dahil dito, sumugod ang suspek sa bar hanggang sa magkagulo at nasaksak niya sa bibig at likod ang biktima.

Sinampahan na ng reklamong frustrated murder ang suspek. — Jamil Santos/RSJ GMA Integrated News