Lumabas sa imbestigasyon na nakararanas ang nawawalang bride-to-be na si Sherra De Juan ng financial distress kaugnay sa kaniyang kasal at gamutan ng kaniyang ama, ayon sa Quezon City Police District (QCPD).

Sa ulat ng 24 Oras Weekend nitong Sabado, sinabing ito ang inanunsyo ni QCPD Director Police Colonel Randy Glenn Silvio matapos ang pagsusuri sa cellphone ni De Juan.

Bukod pa rito, nakita rin sa web history sa mga gadget ni De Juan na naghahanap siya ng gamot na puwedeng magresulta sa pagkamatay.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya.

Sinusuyod na rin ng pulisya ang Dumaguete City kung saan nakatira ang mga kaanak ni De Juan. — Jamil Santos/VBL GMA Integrated News