Sinampahan ni dating senador Antonio Trillanes IV at ng civil society group na The Silent Majority nitong Miyerkoles ng mga reklamong plunder, malversation, at graft si Bise Presidente Sara Duterte sa Ombudsman.

Ayon sa mga complainant, isinampa ang reklamo dahil sa mali umanong paggamit ng bilyun-bilyong halaga ng confidential funds at iba pang public funds.

Kabilang sa mga reklamo ang mga pagkilos ng Bise Presidente noong bise alkalde pa siya at maging alkalde ng kaniyang bayan na Davao City, at kalaunan ay naging bise presidente at kalihim ng edukasyon.

"This is about accountability," sabi ni Trillanes sa mga reporter.

Hinihingian na ng GMA News Online ang Office of the Vice President ng pahayag tungkol sa isinampang reklamo. —Jamil Santos/AOL GMA Integrated News