Ibinahagi ng kontrobersiyal na Russian vlogger na si Vitaly Zdorovetskiy ang kaniyang karanasan nang makulong sa Pilipinas ng 290 araw, at ipina-deport na pabalik sa Russia kamakailan.
Sa kaniyang mga social media, nagbahagi si Vitaly ng mga larawan at video ng kaniyang karanasan habang nasa isang piitan sa Pilipinas, at ang kaniyang pag-uwi sa Russia.
“After 290 days in the Phillipines jail with rats, cockroaches, and +35 Celsius weather, I am finally free,” saad ni Vitaly. “They really tried to break me but it built me.”
“Out of the 290 days, I spent 91 days in complete Isolation,” pagpapatuloy niya. “They wanted me gone but I’m here, all glory to GOD!!! Without faith it wouldn’t be possible, thank you to everyone who had my back during these difficult times, I appreciate you… your boy is BACK!! Full documentary coming soon!”
Abril noong nakaraang taon nang arestuhin si Vitaly ng mga awtoridad sa Pilipinas dahil sa kaniyang mga stunt na lumalabag sa batas.
Mayroon siyang mahigit 10 milyong YouTube followers at nagpo-post ng prank videos mula sa mga bansang kaniyang binibisita.
Pinuna siya ng netizens matapos mag-upload na hina-harass niya umano ang ilang Pinoy habang nagbibidyo sa Bonifacio Global City sa Taguig.
-- Jamil Santos/FRJ GMA Integrated News

