Sasabak si Alexandra “Alex” Eala sa Philippine Women’s Open matapos niyang kumpirmahin ang pagsali niya sa WTA 125 event.
Dumating ngayong Miyerkoles si Eala sa bansa at ibinahagi ang kaniyang pananabik para sa kompetisyon sa pamamagitan ng isang pahayag niya na ipinost sa official page ng torneo.
“Yes, I will be playing next week. I’m looking forward to it, and I hope people can show up and support the Pinays,” ani Eala.
“It’s a huge milestone in Philippine tennis, and I think it’s a big deal for all of us Filipina tennis players,” dagdag niya.
Nabigyan ng wildcard entry si Eala para sa torneo, kasama si Tenielle Madis.
Gaganapin ang torneo sa Rizal Memorial Tennis Center mula sa January 26 hanggang 31.
Matatandaan na maagang napatalsik si Eala sa ginanap na Australian Open, matapos matalo sa singles at doubles events sa unang round pa lang ng torneo.
--FRJ GMA Integrated News

