Madaling pinataob ng Pinay tennis star na si Alexandra “Alex” Eala ang katunggaling si Alina Charaev, sa straight sets, 6-1, 6-2, sa kanilang pagtutuos sa Philippine Women's Open na ginanap sa Rizal Memorial Sports Complex nitong Lunes.

Kaagad na pinangunahan ni Eala ang kanilang unang laban at nakontrol ang laro hanggang sa maangkin ang first set, 6–1.

Sa ikalawang set, bahagyang pumalag si Charaeva na nakuha ang unang dalawang laban. Pero hindi nagpasindak si Eala at tinapos ang laban sa 6-2.

Sunod na haharapin ng Eala ang mananalo sa laban ng mga Japanese na sina Nao Hibino at Himeno Sakatsume. — Justin Kenneth Carandang/FRJ GMA Integrated News