Sumuko si Albuera, Leyte Mayor Kerwin Espinosa sa National Bureau of Investigation (NBI) Cebu, pagkumpirma ni NBI spokesperson Palmer Mallari nitong Huwebes.
Ito’y matapos maglabas ang Cebu Regional Trial Court (RTC) Branch 14 ng arrest warrant laban kina Espinosa at iba pa dahil sa isang kasong murder. Hindi nagtakda ng piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Hiningian na ng GMA News Online ang kampo ni Espinosa ng komento, pero hindi pa sila nagbibigay ng tugon sa oras ng paglalathala. —Jamil Santos/VBL GMA Integrated News

