Magkakasunod na namatay ang anim na bagong silang na sanggol matapos hindi umano gumana ang air conditioner sa isang ospital sa Dhaka, Bangladesh.
Sa ulat ng GMA News Unang Balita nitong Huwebes, sinabing naganap ang insidente nitong Miyerkoles.
Patuloy ang imbestigasyon kung nagkaroon ng technical failure at gas leak sa air conditioning system.
Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang pamunuan ng ospital. – Jamil Santos/FRJ GMA News
