Itinaas ng Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund ang pinakamataas na halaga ng housing loan kada borrower sa P10 milyon. Isa itong hakbang upang mapalawak ang access sa home financing para sa mga middle-income at higher-earning Pinoy workers, sa harap ng maraming condominium units na bakante sa Metro Manila.
Sa isang pahayag, sinabi ng Pag-IBIG Fund na layunin ng hakbang na palawakin ang maabot ng flagship program ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino o Expanded 4PH Program, upang matugunan ang sobrang supply ng mga available na housing inventory.
Dagdag pa nito, ang mas mataas na loan ceiling ay kaakibat ng kasalukuyang subsidized na 3% housing loan rate para sa mga kuwalipikadong bibili ng socialized housing, na nagbibigay-daan sa pondo na makapaglingkod sa mas maraming miyembro na naghahanap ng bahay na lampas sa socialized housing segment sa pamamagitan ng abot-kaya at pangmatagalang financing.
Gayunman, sinabi ng Pag-IBIG Fund na ang mas mataas na maximum loan amount ay mananatiling nakabatay sa credit evaluation, kakayahang magbayad, appraisal ng kolateral, at iba pang housing loan guidelines, upang matiyak na responsable at napapanatili ang pangungutang ng mga miyembro.
“With the higher P10-million loan ceiling, Pag-IBIG Fund can now serve more members, especially Filipino workers who seek homes in higher price segments but still require long-term and affordable financing to own homes near their workplaces, schools, and sources of livelihood,” pahayag ni Housing Secretary Jose Ramon Aliling, na chairman din ng Pag-IBIG Fund Board of Trustees.
“This move allows Pag-IBIG Fund to widen access to home financing across more income segments, in line with the directive of President Ferdinand R. Marcos Jr. to make decent and affordable housing more inclusive and accessible to more Filipino families,” dagdag ni Aliling.
Kasunod sa naturang bagong hakbang, nanawagan ang opisyal sa mga developer na muling isaayos ang kanilang presyo, mag-alok ng makatwirang package, at tumulong upang maging abot-kaya ang kanilang mga available na unit para sa mga miyembro ng Pag-IBIG Fund.
“When housing prices, borrower capacity, and affordable financing meet, more Filipino workers can finally own homes of their own,” sabi ni Aliling.
Samantala, ipinaliwanag ni Pag-IBIG Fund CEO Marilene Acosta na sa mas mataas na loan ceiling, ang mga kwalipikadong borrower ay magkakaroon na ngayon ng mas magandang access sa home financing na maaaring bayaran nang hanggang 30 taon, na may interest rate na maaaring bumaba sa 5.75% kada taon depende sa kanilang napiling fixing period.
“More importantly, this allows us to widen the reach of the Expanded 4PH Program so that more members, across more income segments, can gain access to decent and affordable homes, while eligible socialized housing borrowers continue to benefit from the 3% subsidized rate,” ayon kay Acosta. — FRJ GMA News

