Mayroong 17 lugar ang inaasahang makararanas ng “peligrosong” antas ng heat index sa bansa sa Lunes, Hunyo 1, 2026, ayon sa PAGASA.

Batay sa limang-araw na heat index forecast ng state weather bureau na inilabas noong Linggo, ang mga sumusunod na lugar ay maaaring makapagtala ng heat index na nasa pagitan ng 42°C hanggang 45°C, na pasok sa antas na “danger”:

45°C

  • Baler (Radar), Aurora
  • Casiguran, Aurora
  • Borongan, Eastern Samar

44°C

  • Infanta Quezon
  • Hinatuan Surigao del Sur

43°C

  • Catbalogan Samar
  • Guiuan Eastern Samar

42°C

  • Dagupan City, Pangasinan
  • DMMMSU Bacnotan, La Union
  • Tuguegarao City, Cagayan
  • Sangley Point, Cavite City, Cavite
  • Daet, Camarines Norte
  • Virac (Synop), Catanduanes
  • CBSUA-Pili, Camarines Sur
  • Roxas City, Capiz
  • Surigao City, Surigao del Norte
  • Butuan City, Agusan del Norte

Samantala, nasa 56 na lugar naman ang inaasahang makararanas ng “extreme caution” na heat index na nasa pagitan ng 33°C hanggang 41°C. Habang hindi bababa sa dalawang lugar naman ang nasa “caution” level na may heat index na 27°C hanggang 32°C.

Ang mga sumusunod na lugar sa Benguet ay inaasahang makapagtatala ng “no hazardous” o hindi mapanganib na heat index:

  • Baguio City – 25°C
  • BSU La Trinidad Benguet – 25°C
  • Benguet Radar Tuba Benguet – 19°C

Tumutukoy ang heat index sa temperaturang nararamdaman ng katawan ng tao kapag pinagsama ang aktuwal na temperatura ng hangin at ang antas ng halumigmig o humidity. Kapag mataas ang humidity, bumabagal ang pagsingaw ng pawis, kaya mas nahihirapan ang katawan na magpalamig ng sarili.

Pinapayuhan ng PAGASA ang publiko na limitahan ang pananatili sa labas ng bahay at gumamit ng payong o sombrero kapag kinakailangang lumabas.

Inirerekomenda rin nito ang pag-inom ng maraming tubig at pag-iwas sa tsaa, kape, at mga soft drink.— Lyjah Tiffany Bonzo/FRJ GMA News