Ipinagpatuloy ng Senate blue ribbon committee nitong Huwebes ang pagdinig nito sa mga flood control project, na pinamunuan ni Senator Pia Cayetano.
Nauna nang sinabi ni Senator Alan Peter Cayetano sa GMA News na magpapatuloy ang pagdinig ng Blue Ribbon committee sa mga flood control project, ayon sa nakatakdang iskedyul sa kabila ng anunsyo ni Senator Erwin Tulfo na ipinagpaliban ito hanggang sa susunod na abiso.
Sa sesyon ng Senado nitong Miyerkoles, hinalal ng 12 Senator si Senator Sherwin Gatchalian bilang Senate President Pro Tempore habang hinalal naman si Tulfo bilang chairperson ng Blue Ribbon committee.
Si Pia Cayetano ang chairperson ng komite bago idineklara si Gatchalian bilang acting Senate president.
Nasa Senado rin sina Senator Robin Padilla, Imee Marcos, Rodante Marcoleta, at Loren Legarda.
Sinabi ni Nimfa Ravelo ng Super Radyo dzBB na walang miyembro ng secretariat ng Blue Ribbon committee ang makikita sa oras ng pag-post. Iniulat niya na mga staff lang ng mga Cayetano ang nasa session hall.
Si Alan Cayetano ang nanumpa sa mga indibiduwal na nagsabing naghatid sila ng mga maleta ng pera sa ilang personalidad na sangkot umano sa kaguluhan sa flood control. Naroon din si Atty. Levito Baligod sa pagdinig. —Jamil Santos/ VAL GMA News
