Sa ulat ng Balitanghali nitong Huwebes, mapanonood sa video na hawak ng isang estudyante na nasa labas ng school fence ang dalawang pellet gun, bago tinawag ang kaniyang kasama mula sa loob para ipasok ang pellet gun.
Isinumbong sila ng kapwa estudyante sa pamunuan ng paaralan, kaya nakumpiska ang mga pellet gun.
Ayon sa Grade 7 at 8 na mga mag-aaral, pangdepensa lamang nila ang pellet gun mula sa mga namamaril nito na tambay sa labas ng eskuwelahan.
Ipinagbabawal ang pagdadala ng mga baril at mga replica nito sa eskuwelahan para sa kaligtasan ng mga estudyante, faculty at staff.
SInabi ng principal ng eskuwelahan na isinailalim na sa counseling ang dalawang estudyante at kanilang mga magulang.
May nagbabantay na rin sa labas ng paaralan upang maiwasan ang insidente. —Jamil Santos/ VAL GMA News

