Paldo ang isang mananaya ng mahigit P15 milyon matapos niyang mahulaan ang lumabas na mga numero sa Megalotto 6/45 draw nitong Miyerkules, July 8, 2026.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nabili ang tumamang tiket sa isang lotto outlet sa Camarines Sur.

Ang lumabas na kombinasyon ng mga numero ay 13-05-30-25-22-11, na may premyong P15,000,000.00.

Samantala, wala namang tumama sa kasabay nitong draw na Grand Lotto 6/55, na ang lumabas na mga numero ay 20-32-48-52-46-54, at may premyong P66,672,826.45.

Kamakailan lang, dalawang mananaya rin ang magkasunod na pumaldo nang tamaan nila ang mga jackpot prize.

Isa ang nanalo ng P57 milyon sa lotto 6/42 noong nakaraang Huwebes, habang ang isa namang mananaya ay naka-jackpot na P97 milyon sa Megalotto 6/45 draw sa sumunod na araw ng Biyernes. —FRJ GMA News