Inilahad ng Department of Justice (DOJ) nitong Lunes na nagkaroon ng pagsabog na nagmula umano sa isang improvised explosive device malapit sa entrance nito sa Padre Faura Street, Maynila.

Ayon sa departamento, naganap ang pagsabog bandang 12:17 a.m. nitong Lunes.

Walang naiulat na nasawi, ayon sa DOJ.

“The situation is currently under control, and the DOJ compound remains secure,” sabi ng DOJ sa isang pahayag.

Sinabi ng DOJ na nagsasagawa ng technical examination ang Philippine National Police Explosive Ordnance Disposal (PNP-EOD) Unit.

Idinagdag nito na patuloy ang imbestigasyon para matukoy ang pinagmulan at mga pangyayari kaugnay ng pagsabog.

“The DOJ remains committed to ensuring the safety and security of its personnel and the general public, while supporting a comprehensive and impartial investigation,” sabi ng ahensiya. —VBL GMA News