Kilala bilang isa sa “sex symbols” sa Pilipinas, nagkuwento si Maui Taylor tungkol sa indecent proposals na kaniyang natanggap, at nang masabihang “porn star” ng magulang ng kaniyang dine-date.
Sa teaser ng “Your Honor” inilahad ni Maui ang pamumuna sa kaniya ng ilang kababaihan.
“I always get the stink eye. Na, ‘Hmm, Maui Taylor.’ Gano’n. Bakit nga ba mga girls? Ina-idolize lang naman kami ng mga jowa ninyo. Hindi naman namin inaagaw 'yung mga jowa niyo. Bakit ba kayo galit na galit sa amin?” sabi niya.
Hirit ni Maui sa mga kababaihan na kaniyang bashers, “Girls, sorry. You don't have my face. You don't have my body. You don't have my brains. Shhh!”
Tinatarayan din siya ng ilang magulang ng mga lalaking nakaka-date niya.
“I experienced which I would call the worst-ever experience in terms of meeting parents. Sinabihan talaga ako ng parents na I'm a porn star daw.”
Hindi rin nakakaligtas si Maui sa mga indecent proposal mula sa mga kalalakihan.
“Madami ka talagang mami-meet na they just want to get in your pants. Kasi hanggang ngayon ang dami.”
Kaugnay ng mga halagang inaalok sa kaniya, “Nasa millions din.”
“Mayroon isa, siguro couple of months ago, sabi ko hard pass. Sorry talaga,” kuwento pa ni Maui.
Samantala, inilahad ni Maui na masaya siya sa kaniyang “ambag” kaya tumangkad umano ang maraming Pilipino.
“Well, 'yung nakaambag ako, siyempre, masaya naman ako for them. Happy ako na kahit paano naging instrumento ko para tumangkad sila."
Pero biro ni Maui, “Ewan ko lang ano nangyari kay Buboy?”
Kung papipiliin din kung lights on o off, lights off ang pipiliin ni Maui.
“Parang mas exciting 'yung may kinakapa-kapa. Kasi may surprise element ‘yun, ‘di ba? ‘Pag meron kang kinakapang ganiyan.”
Tunghayan ang guesting ni Maui sa bagong episode ng “Your Honor.” —Jamil Santos/VBL GMA News
