Patay ang isang mag-asawa matapos silang barilin sa loob ng kanilang bahay na nasaksihan pa ng kanilang mga anak sa Rodriguez, Rizal.
Sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes, madidinig sa CCTV, ang magkakasunod na putok ng baril sa bahay ng mag-asawa.
Matapos nito, makikita ang pagtakas ng apat na tao sakay ng dalawang motorsiklo.
Nasaksihan ng tatlong batang anak ng mag-asawa biktima ang pamamaril.
Palaisipan pa sa mga kamag-anak ang posibleng salarin at sa motibo ng krimen dahil wala namang nakaka-away ang mag-asawa.
Hindi muna nagbigay ng pahayag ang pulisya samanta —Jamil Santos/ VAL GMA News
