Nananatiling palaisipan pa rin sa publiko kung ano ang tunay na relasyon ni "Eat Bulaga" dabarkads Paolo Ballesteros sa "mystery guy" na kasama niya sa larawan na ipino-post niya sa kaniyang Instagram account.

Kamakailan lang, muling nagpost si Paolo ng picture nila ng lalaki na napapabalita ngayon na nobyo niya.

Bagaman madalas na binibiro si Paolo sa "Eat Bulaga" na bading, wala naman itong malinaw na kompirmasyon lalo na't may isang anak ang "Die Beautiful" star sa dati nitong karelasyon na babae.

Sa bagong larawan na ipinost ni Paolo kasama ang lalaki, nilagyan niya ito ng caption na, "poge" na may heart shape.

 

Poge ??

A post shared by Paolo Ballesteros (@pochoy_29) on

 

Sa isang ulat ng showbiz online website na PEP.ph, tinukoy nito na ang pangalan ng lalaki, batay na rin sa larawan na nakapost sa kaniyang Facebook account.

Sa naturang FB account ng lalaki, makikita umano ang suot nitong singsing na kapareho sa singsing na suot din ni Paolo na naka-post naman sa IG account ng TV host-actor.

Nitong nakaraang mga linggo, ilang mga larawan din ang ipinost ni Paolo kasama ang misteryosong lalaki.

 

Puyat. Pagod. Antok. ??????

A post shared by Paolo Ballesteros (@pochoy_29) on

 

??????????

A post shared by Paolo Ballesteros (@pochoy_29) on

 

Day 4. ??

A post shared by Paolo Ballesteros (@pochoy_29) on

 

AEROX . ZOOMER X ???????????? @yayin_073072 @r.a.0606 @_jhen81 @eilrig_72 @nohperez @joelrelleve

A post shared by Paolo Ballesteros (@pochoy_29) on

 

Sa mga komento sa mga larawan, marami ang sumusuporta kay Paolo at hangad ang kaniyang kaligayahan kung totoo man na karelasyon nito ang lalaki.

Mayroon din ilan na nanghihinayang at hindi sang-ayon na maging totoong bading si Paolo.-- FRJ, GMA News