Game na sinagot nina Andrea Torres at Rhian Ramos ang mga tanong sa segment na ‘Walang Echos’ sa "Sarap Diva" ni Regine Velasquez-Alcasid. Alamin kung sino ang aktor na ultimate crush ng dalawang Kapuso sexy stars.

Ayon kay Andrea, ang "Mulawin Vs Ravena" leading man na si Dennis Trillo ang kaniyang ultimate crush.

Si John Lloyd  Cruz naman ang tinukoy na aktor ni Rhian.

Sa tanong kung sino ang aktor na unang nanligaw sa kanila, sinabi ni Rhian si JC de Vera, habang wala namang binanggit si Andrea.


Samantala, para kay Andrea, si Carla Abellana ang pinakamagandang aktres  sa showbiz, habang si Megan Young naman ang para kay Rhian.

Tinukoy naman ni Andrea na si Jaclyn Jose ang idolo niya sa pag-arte, habang ang batikang aktor na si Eddie Garcia ang pinangalanan ni Rhian.


-- FRJ, GMA News