Muntik nang mabisto ni Manang Loleng ang itinatagong sikreto ni Georgia tungkol sa katauhan ni Sydney, na ang tunay na ina ay si Emma. Pero sadyang mahusay si Georgia at nalusutan pa rin ang pag-iimbestiga ng dakilang kasambahay.
Samantala, makikita na ni Rome ang ginagawang paninigaw ni Georgia sa anak nilang si Sydney pero tila kulang pa ito para pagdudahan niya ang kinakasama kung talagang ito ba ang ina ng kaniyang anak.
Video courtesy of GMANetwork.com-Entertainment
-- FRJ, GMA News
