Inamin ni Rayver Cruz na nililigawan niya ang Kapuso star na si Janine Gutierrez. Si Rayver ay kapatid ni Rodjun, na kasama ni Janine sa hit afternoon drama series na "Legally Blind."
Sa ulat ni Allan Diones sa PEP.Ph nitong Miyerkules, sinabing nakita Janine at Rayver na magkasamang nanood ng pelikulang Wonder Woman noong nakaraang linggo.
Nang tanungin umano ang binata kung sila na ba ni Janine, tugon niya, "Hindi pa. Ligaw-ligaw pa lang. Labas-labas.”
Sinabi pa ng aktor na nais muna nilang mabuo ang tiwala sa isa't isa kaya hindi umano ito dapat madaliin.
Nangako naman si Rayver na aaminin niya kapag sila na.
Sa nakaraang panayam, sinabi ni Rodjun na magiging masaya siya kung magiging kasintahan ang kaniyang kapatid si Janine.
READ: Rodjun Cruz, boto kay Janine Gutierrez para utol na si Rayver
Sa isang family event sa Christopher ‘Boyet’ de Leon, lolo ni Janine, sinabing kasama ni Janine si Rayver.
Ipinaliwanag din ni Rayver sa ulat na kilala naman niya ang pamilya ni Boyet dahil bestfriend ito ng kaniyang tiyuhin na si Tirso Cruz III. -- FRJ, GMA News
