Tila hindi naiwasan ni Paolo Ballesteros na "humugot" sa love life ng kasambahay na "Sugod-Bahay" winner na umaming mayroong "jowa" o kasintahan, at five months na raw ang kanilang relasyon.

Sa "Eat Bulaga" nitong Lunes, ilang beses nabanggit ni Paolo ang katagang "buti ka pa," dahil bukod sa mayroong jowa ang kasambahay, umabot na sa limang buwan ang kanilang relasyon. Panoorin ang masayang eksena sa segment na "Juan For All, All For Juan."

Nitong nakaraang buwan, naging palaisipan sa fans ni Paolo ang tunay na estado ng kaniyang love life dahil na rin sa mga Instagram post na may kasama siyang lalaki.

Pero makalipas din ng ilang linggo, tila nagpahiwatig ang dabarkads na tapos na kung anuman ang relasyon nila ng mystery guy.

READ: Paolo Ballesteros, inamin sa dabarkads ang status ng kaniyang love life?

-- FRJ, GMA News