Isang larawan na may simple pero makahulugang caption ang ipinost ni Maine Mendoza sa kaniyang Instagram account kaugnay ng ikalawang anibersaryo ng tambalan nila ni Alden Richards na "AlDub."
Hindi nakasaad sa post kung kailan at saan kuha ang larawan na makikitang buhat ni Alden si Maine, at nasa background ang isang magandang theme park.
Nakasaad sa caption ng larawan ang katagang "ichigo ichie," na batay sa chanoya.com, ay may kahulugan na,“one opportunity, one encounter" o "treasure every encounter, for it will never recur.”
Mayroon nang 163,963 likes ang larawan at mga komento na natutuwa sa patuloy na pagtatambal ng dalawa.
Kaugnay ng anibersyo ng AlDub, ibinalita sa "Eat Bulaga" nitong Sabado na gagawa ng pelikula at concert sina Alden at Maine.
WATCH: Alden at Maine, sinagot ang pag-aaral ng 'Sugod-Bahay' winner
Isang dalagita rin ang tinawag na kauna-unahang AlDub iskolar matapos nilang sagutin ang pag-aaral nito hanggang matapos ng kolehiyo. -- FRJ, GMA News
