Isang video message ang ipinadala sa Facebook page ng programang Kapuso Mo, Jessica Soho, ng dating Pinoy wrestler na si Jose Manuel "Joe Pogi" Aquion Jr. para manawagan sa kaniyang dating mga kasamahan.

Sa kaniyang video post, hiniling niya kina "Max Buwaya," "King Cobra," "Macho Franco," "Bakal Boys", "Turko Turero," "Iggy Igorot," at "Waway," na makipag-ugnayan sa "KMJS" para makapagsama-sama silang muli.

"Sana kapag nabasa niyo, narinig 'to, get in touch with programang 'Jessicia Soho' para magkaroon tayo ng bonding," ayon kay "Joe Pogi."

1980's nang sumikat ang Pinoy wrestling na kinabibilangan ng grupo ni "Joe Pogi."

--FRJ, GMA News