Isa pang pangarap ng Phenomenal Star na si Maine Mendoza ang kaniyang nakamit at full support dito ang kaniyang mga tagahanga.

Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa GMA News "24 Oras" nitong Huwebes, sinabing natupad na ang pangarap ni Maine na magkaroon ng franchise ng isang kilalang fastfood chain.

"Hindi lang dream come true for me, para sa whole family ko na din. Lalo na sa ate ko na ang haba ng proseso... siya kasi nagma- manage nito," ayon sa TV host-actress.

Muling namang pinatunayan ng fans ang pagmamahal nila kay Maine na full support sa bagong achievement ng kanilang idolo.

Ilan nga daw miyembro ng AlDub nation na ang iba ay nagmula pa sa Iloilo at Tarlac ang nag-camp out mula pa kagabi para masilayan si Maine sa kaniyang espesyal na araw.

Sinabi naman ni Maine na hindi niya naiwasang kabahan sa bago niyang negosyo.

Samantala, pinag-uusapan at lalong hinahangaan si Maine matapos siyang kilalanin bilang isa sa top regional tax payers ng Bureau of Internal Revenue.

Para kay Maine, mahalaga raw ang pagbabayad ng tamang buwis para makatulong sa pamahalaan.

May kaunti rin siyang patikim sa susunod na proyekto nila Alden Richards, nasa Houston, Texas para sa isang pagtatanghal.

"Boxing lang po and Muay Thai para sa movie," ani Maine. "Sinusubukan po namin to train as hard as we can, as often as we can pero wala pa rin kaming idea about sa movie." -- FRJ, GMA News