Muling mapapanood sa GMA simula sa Lunes ng umaga ang classic anime na kinagiliwan ng mga batang 80's at 90's na "Daimos!"

 


Sa Chika Minute report ng GMA News "24 Oras" nitong Biyernes, sinabing 10 taon na ang nakalipas nang huling ipalabas sa Kapuso network ang naturang Japanese anime series.

Ang re-dubbed Tagalog version ay bibigyang buhay ng young Kapuso stars na sina Miguel Tanfelix bilang si Richard Hartford, at Bianca Umali bilang si Erika, na kapatid pala ni Prince Ulrich na kalaban ni Richard.

Mapapanood ang "Daimos" sa ganap na 8:50 a.m. simula sa Lunes. -- FRJ, GMA News