Isang kalansay ng tao ang natagpuan sa NLEX sa bahagi ng Mabalacat City, Pampanga.

Sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Miyerkoles, sinabing nakasuot ang kalansay ng brown t-shirt, blue jacket, asul na pantalon, at kulay brown na boxer shorts.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para matuloy ang pagkakakilanlan sa kalansay, at ano ang sanhi ng pagkamatay nito.

Nanawagan ang mga awtoridad sa mga nawawalan ng kamag-anak na makipag-ugnayan sa kanila. – FRJ GMA News