Nitong Huwebes, inulan ng negatibong komento mula sa netizens ang naging pahayag ng veteran comedian at dabarkads na si Joey de Leon dahil sa komento niya sa depresyon. Matapos niyang mag-public apology sa telebisyon nitong Biyernes, ano kaya ang masasabi ng netizens? Alamin.

Sa episode ng "Eat Bulaga" nitong Biyernes, buong pagpapakumbaba na humingi ng paumanhin si  Joey sa mga taong nasaktan sa kaniyang nasabi tungkol sa depresyon sa segment na "Sugod-Bahay" nitong Huwebes.

Inamin niya na naging mababaw at kulang ang kaniyang kaalaman sa naturang paksa.  (WATCH: Joey de Leon apologizes for comment on depression)

Sa Twitter post, inihayag ni Jako  de Leon ang paghanga sa amang si Joey  dahil sa ginawang paghingi ng paumanhin.

Saad pa niya, "It’s not how we make mistakes but how we correct them that defines us."

Narito ang ilan pang komento ng netizens sa pag-sorry ni beteranong TV host-comedian:

 

 

-- FRJ, GMA News