Sa segment na 'Lightning Laglagan' sa programang "Mars," sinagot ng cosmetic surgeon na si Dr. Manny Calayan kung ano ang madalas na "ipagawa" o "ipaayos" sa kaniya ng mga celebrity.

Sinabi ni Dr. Calayan na ilong ang madalas na ipagawa sa kaniya ng mga celebrity, at ang papayatin ang isang celebrity ang itinuturing niyang challenging procedure na kaniyang ginawa.

Mayroon na rin daw siyang celebrity na tinanggihan at handa naman daw siyang makatrabaho ang isa pang kapwa niya kilalang celebrity doctor na si Dra. Vicki Belo.

Pero ano nga ba ang real beauty para kay Doc Calayan? Panoorin.

Video courtesy of GMANetwork.com-Entertainment

-- FRJ, GMA News