Naaresto ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Biyernes ng umaga ang aktor at model na si Cogie Domingo.
Sa ulat ni Allan Gatus sa Super Radyo dzBB, sinabi nito na nasa kostudiya ng PDEA Calabarzon ang aktor.
Nagsasagawa pa umano ng operasyon ang mga PDEA kaugnay nito.
Bukod kay Cogie, isang babae pa umano ang naaresto.
Una raw nadakip ng mga awtoridad ang taong pinagkukunan ng droga ng aktor.
Batay sa mga naunang ulat ng National Capital Region Police Office noong 2016, sinabing mayroong 54 na celebrity ang nasa kanilang drug list. — FRJ, GMA News
