Maliban sa aktibidad na dinaluhan sa Doha, Qatar, ibinahagi sa "Kapuso Mo, Jessica Soho" ng kaniyang asawa na si Arnel Cowley, na plano rin sana nilang ipagdiwang doon ang kanilang ikalawang anibersaryo nang mangyari ang trahediya.

Sa ilang video footage habang nasa Qatar, makikita si Isabel nang dumalo sa isang panayam, at inawit niya ang "On The Wings of Love" sa isang tourism conference.

Ayon kay Arnel, nang araw na makikipagkita si Isabel sa fans, nabanggit daw ng aktres na nakaramdam ito ng bahagyang pananakit ng ulo nang gumising.

Pero wala naman daw silang napansin na dapat ikabahala kaya nagpatuloy si Isabel sa aktibidad sa araw na iyon. Kinalaunan, dumaing naman daw ang aktres na nahihilo siya hanggang sa mawalan na ng malay kaya isinugod sa ospital.

Balikan ang mga huling sandali ni Isabel at sariwain ang kaniyang magagandang alaala sa "KMJS:"

Click here for more GMA Public Affairs videos:

-- FRJ, GMA News