Sa inaasahang pagdating mula sa Qatar ng mga labi ng aktres na si Isabel Granada sa Miyerkoles, inanunsyo ng kaniyang pamilya ang schedule ng lamay at libing ng aktres na pumanaw noong Sabado.

Pumanaw noong Sabado ng gabi ang aktres matapos ma-comatose nang dahil sa brain aneurysm habang nasa sa Doha.

Inaasahang darating ang labi ni Isabel ngayong Miyerkules, Nobyembre 8.

Sinabi ni Arnel Cowley, asawa ni Isabel, na nabanggit daw noon ng aktres na nais nitong ma-cremate ang kaniyang mga labi kapag pumanaw. Pero depende pa raw ito sa magiging desisyon ng kaniyang ina na si Mommy Guapa.

Magkakaroon ng public viewing para sa labi ng aktres sa Sanctuario de San Jose Parish sa Duke corner Buffalo Sts. East Greenhills, Mandaluyong City.

Narito ang schedule ng lamay at libing ng aktres, ayon na rin sa post ng kaniyang kaibigang si Chuckie Dreyfus.

November 9 (Thursday)

  • Arrival of Isabel's body
  • Private visit and viewing for family, relatives and close friends only

Nobyembre 10 (Friday)

  • Public viewing: 10 a.m. to 5 p.m. only
  • Private visit and viewing for family, relatives and close friends (until 12 m.n. only)

Nobyembre 11 (Saturday)

  • Public viewing: 10 a.m. to 5 p.m. only
  • Private visit and viewing for family, relatives and close friends (until 12 m.n. only)
  • Eulogy at 7 p.m.

Nobyembre 12 (Sunday)

  • 11:30 a.m. Transfer to Arlington
  • 1:00 p.m. Final Mass
  • 2:00 p.m. Cremation
  • 4:00 p.m. Transfer back to Sanctuario de San Jose

 

—Jamil Joseph Santos/LBG, GMA News