Marami ang nagkokomento at bumabati sa mga larawan ni baby Talitha Maria na ipino-post ng bagong mommy na si Pauleen Luna sa kaniyang Instagram. Gayunman, may iilan na tila nang-iintriga gaya ng isang follower niya nagtanong kung bakit hindi raw yata dinadalaw ng ibang mga anak ni Vic Sotto ang bagong silang nilang anak.

Noong nakaraang Lunes, isinilang ni Pauleen ang first baby nila ni Vic na si Talitha.

May ibang anak si Vic sa ibang nakarelasyon nito tulad nina Danica at Oyo sa unang asawa ng aktor na si Dina Bonnevie; si Vico kay Coney Reyes; at si Paulina kay Angela Luz.

Ang isang follower ni Pauleen sa IG, nagkomento sa isang post niya ng larawan nila ni Talitha na, " Bakit hndi yata dinadalaw ng mga ibang anak ni bossing? Im sure their jealous...”

Sinagot naman ito ni Pauleen na, "Sino naman nagsabi sayong hindi nila dinalaw kapatid nila?,” na may kasamang emoticon na naka-smile.

Totoo naman ang sagot ni Pauleen dahil makikita si Oyo na nag-post sa kaniyang IG account ng larawan habang karga si Talitha ay may caption na, " With our baby sister Tali.  Kuya loves you."

 

With our baby sister Tali.?? Kuya loves you. #Day1

A post shared by Oyo Sotto (@osotto) on

 

Si Danica, kabilang sa mga celebrity na nasa New Zealand para dumalo sa kasal nina Anne Curtis at Erwan Heussaff.

Pero sa isang larawan na ipinost ni Danica bago manganak si Pauleen, makikita na magkakasama silang magkakapatid, at kasama ang kanilang amang si Vic at buntis pa noon na si Pauleen.

 

Complete ?????? Happy Birthday @paulinavls ! Have a safe trip!!

A post shared by Danica Sotto-Pingris (@danicaspingris) on

 

Sa mga larawan ni Paulina sa kaniyang IG account, makikita na nasa Amerika siya ngayon. -- FRJ, GMA News