Dahil sa kahirapan noon, hindi nalagyan ng lapida ang nitso ng ina ni "Wowowin" co-host na si Verna o Verna Joy Najera. At ngayong may pera na sila, pilit nilang hinahanap ang puntod nito para mailagay sa maayos na lugar.
Bagaman bigo si Verna na mahanap pa sa ngayon ang puntod ng ina, nagtagumpay naman siya na makuha at makasama ang mga kapatid, at nahanap na rin niya ang lalaking nagpapasaya sa kaniyang buhay.
Kilalanin pa lalo si Verna at alamin ang mga pagsubok sa buhay na kaniyang pinagdaanan sa episode na ito ng "Reel Time":
Alamin din kung paano nadiskubre ang talento ni Verna sa pagkanta at pagpapatawa na siyang naging susi para maging co-host ang 'Wowowin.'
Click here to subscribe and watch more GMA Public Affairs videos:
-- FRJ, GMA News
