Kinansela ng Land Transportation Office (LTO) ang driver's license ng dating beauty queen at aktres na si Maria Isabel Lopez dahil sa paglabag sa traffic and security protocols nang pumasok siya sa ASEAN lane noong nakaraang buwan.
Sa ulat ng GMA Super Radyo dzBB nitong Lunes, sinabing maaaring kumuha ng panibagong lisensiya sa LTO si Isabel pagkaraan ng dalawang taon.
Pinagmumulta rin siya ng P8,000 para sa nagawang tatlong traffic violations.
Aktres na si Maria Isabel Lopez, binawian na ng lisensiya ng LTO. Hindi na papayagan makakuha ng bagong lisensiya sa loob ng 2 taon. Binawian siya ng lisensiya para sa disregarding traffic signs, reckless driving at paglabag sa anti distracted driving Act. lvia @VargasMannysen
— DZBB Super Radyo (@dzbb) November 27, 2017
Matatandaan na nag-viral ang video ni Isabel sa social media nang alisin niya ang harang at dumaan sa ASEAN lane na nakalaan sa mga delegado sa nakaraang ASEAN Summit and Related Meetings.
BASAHIN: Maria Isabel Lopez, naiihi raw kaya niya napasok ang ASEAN lanes
Una rito, idinahilan ni Isabel na hindi niya nais labagin ang batas pero naiihi na umano siya kaya niya nagawang pumasok sa ASEAN lane.— FRJ, GMA News
