Maraming aabangan ang mga Kapuso ngayong taong 2018, lalo na ang mga bagong drama series na itatampok sa GMA Afternoon Prime at GMA Primetime.

Sa GMA News "Unang Balita" nitong Martes, sinabing bibida sa "The One That Got Away" si Kapuso Drama King Dennis Trillo at ang mga naggagandahan at nagse-seksihan na sina Lovi Poe, Rhian Ramos at Max Collins ang kaniyang magiging mga leading ladies. 

Nagbabalik-tambalan naman ang "GabRu" love team nina Gabbi Garcia at Ruru Madrid na bibida sa "Sherlock Jr."

Kasama si Jak Roberto, magiging palaban ang karakter ni Glaiza de Castro sa "Contessa."

Isa namang "adbokaserye" na tatalakay sa HIV/AIDS ang "Hindi Ko Kayang Iwan Ka" serye kung saan bida sina Yasmien Kurdi at Mike Tan.

Magtatambal din sa unang pagkakataon ang real-life couple na sina Megan Young at Mikael Daez sa "The Stepdaughters" kasama si Katrina Halili.

— LA, GMA News